Una sa Balita

Bomb threat na naman!

0 313

Dear Abante,

May bago na namang bomb threat sa Mapua, sinuspinde na naman ang klase at takot na takot na naman ang estudyante. Nakakalungkot lang na ilang beses pa ba na mauulit ‘yung ganitong pangyayari? Alam ko na hindi dapat ipagwalang bahala ang bomb scare pero ano nga ba ang measures na ginagawa ng mga paaralan, lokal na pamahalaan, o maging ng national government para makaiwas sa mga ganitong insidente?

Bukod kasi sa abala sa klase ng mga bata, abala rin sa mga guro at mga awtoridad na rumeresponde. Hindi ko lang din maintindihan kung bakit may mga taong walang magawa na magpapakalat ng text messages o kaya naman ay mag-iiwan ng bag/gamit sa isang lugar na matao. At sa pagkakataong ito nga ay eskuwelahan na naman.

Kaya sa totoo lang pabor na pabor ako na irehistro ang mga SIM card na ginagamit dito sa ating bansa para makaiwas sa mga bomb scare ganundin sa mga banta ng terorista. Sa huli, seguridad pa rin ng lahat ang pangunahing concern ng bawat isa sa atin.

Teka, ano na nga ba ang update diyan sa panukalang batas na irehistro ang mga number ng mga Pinoy??? Mukhang natabunan na naman ng ibang kontrobersiya.

Shermaine Anacleto

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy