Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bomalabas makatumbok: Orcollo 5 taon ban sa Amerika

0 260

HINDI na makakatuntong sa loob ng susunod na limang taon ang beteranong cue artist at miyembro ng national billiards team na si Dennis Orcollo.

Ito ay matapos na pauwiin pabalik ng Pilipinas si Orcollo ng US Customs na nagpataw dito ng limang taong travel ban sa anumang bahagi ng Amerika dahil sa paglabag nito sa isinasaad sa visa infraction sa kanyang huling pagpunta roon.

Iniulat ng Pool Action TV na si Orcollo, tinaguriang “Robocop” ay agad na pinigilan at pinagbawalan na makapasok pa sa Land of Promise.

Si Orcollo ay unang pinigilan sa pagdating nito sa Los Angeles Airport nitong Linggo ng gabi at ipinaalam dito na ito ay lumabag sa pag-overstay sa kanyang visa.

Ikalawang paglabag na ito ni Orcollo kaya agad itong pinabalik sa Pilipinas, una na itong sinabihan sa kanyang unang paglabag na ang susunod ay nangangahulugan sa five-year ban sa pagbiyahe sa Tate.

Si Orcollo ay madalas na sumasabak sa mga kompetisyon sa US. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.