Una sa Balita

Bolick rebelasyon sa Gilas

0 250

LABING-ISA lang ang nasa Gilas Pilipinas pool na bitbit ni coach Yeng Guiao sa training camp sa Spain nitong nagdaang linggo.

Hindi pa naglaro si Kiefer Ravena na suspendido pa ng FIBA, pagkatapos ng unang tune-up match kontra Congo ay inabot ng mild groin strain si Gabe Norwood kaya hindi na sumalang sa tatlo pang laro.

Overall, 3-1 ang Filipinos.

Sa Guadalajara, u­nang sinagasaan ang Congo 102-80, isinunod ang Ivory Coast 94-83. Sa pocket tournament sa Malaga, nasilat ang Nationals sa Congo 82-71 bago inulitan ang Ivory Coast 73-64. Dahil talo sa Congo, hindi na nakaharap ng Filipinos ang host Spain sa pocket tourney.

Rebelasyon sa training camp sina rookies Robert Bolick ng NorthPort at CJ Perez ng Columbian.

Sa Malaga, nagpasabog si Bolick ng 21 points kontra Congo at 19 laban sa Ivory Coast.

“Robert was certainly a revelation in Spain,” ani Guiao nang mag-stopover ang Gilas sa Dubai mula Madrid. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy