Una sa Balita

Bolick, Perez, Ravena pambato ng Gilas

0 567

TIGASING BAGETS!

MGA young star ang karamihang nasa final 12 ng Gilas Pilipinas na pinili ni coach Yeng Guiao para isabak sa FIBA World Cup sa China sa Aug. 31-Sept. 15.

Huwebes ay bumiyahe na pa-Foshan ang squad.

Inihayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang roster pagkatapos ng ikalawang tune-up game ng Nationals kontra Adelaide 36ers noong Linggo.

Retirado na sa international play sina Jayson Castro, Jimmy Alapag at LA Tenorio, humugot si Guiao ng mga batang talento.

Lima lang ang holdovers mula sa squad na naka-isang panalo sa hu­ling edisyon ng World Cup sa Spain noong 2014.

Sila ay sina naturalized Andray Blatche, Japeth Aguilar, Paul Lee, June Mar Fajardo at captain Gabe Norwood.

Pinakabatang sasalang sa kanilang World Cup debuts sina CJ Perez (25), Robert Bolick (23) at Kiefer Ravena (25). Star rookies sa PBA sina Perez at Bolick, sophomore si Ravena na maangas din sa una niyang taon.

First-timers din sa World Cup sina frontliners Raymond Almazan at Troy Rosario, wingman RR Pogoy at playmaker Mark Barroca.

Babalatan ng Pilipinas ang kampan­ya kontra Italy sa Aug. 31, Serbia sa Sept. 2 at Angola sa Sept. 4.

Lahat ng laro sa Group D ay sa Foshan International Sports and Cultural Center. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy