Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bolick, NorthPort pinitpit Phoenix

0 21

Laro sa Biyernes:

(Ynares Sports Arena:

3:00pm — Ginebra vs Blackwater

6:00pm — San Miguel vs NLEX

BINITBIT nina Robert Bolick, Kevin Ferrer at rookie Troy Rike sa eksplosibong paglalaro ang NorthPort Batang Pier upang iuwi ang 115-79 panalo kontra Phoenix Super LPG sa pagpapatuloy ng 2021 PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City kahapon.

Nagtala sina Bolick, Ferrer at Rike ng tig-20 puntos kada isa para bigyan ng kabuuang 60 puntos ang Batang Pier na nakakuha din ng double figures kina Paolo Taha, Sydney Onwurube at Jaimie Malonzo upang agad na makabawi sa masaklap ntiong unang kabiguan sa kasaysayan ng prangkisa sa pagsisimula nito ng kampanya.

“Ginawa ko lang ang dapat kong gawin para sa team,” sabi ni Bolick, na nagdagdag din ng pitong rebounds at 11 assists at isang steal.

Si Ferrer ay may siyam na rebounds at isang assists habang si Rike ay may walong rebounds, dalawang assists at tatlong blocks.

May tig-15 puntos sina Malonso at Onwurube habang may 12 naman si Taha para sa Batang Pier na nagawa pa na maiangat ang abante sa 34 puntos, 101-67, mula sa isang dunk ni Malonzo. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.