Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bolick, NorthPort babarahan TNT

0 143

Mga laro ngayon (Araneta Coliseum)
3:00pm — Phoenix vs Meralco
6:00pm — NorthPort vs TNT

NAKASIGURO na ang TNT ng puwesto sa eight-team quarterfinals ng PBA Governors Cup pagkatapos ng 127-107 win sa Terrafirma nitong Miyerkoles.

Babalik ng Smart Araneta Coliseum ngayong araw ang Tropang Giga para tapusin ang kampanya sa eliminations kontra NorthPort.

Sa 6-4, kabuhol ng Tropa ang Meralco sa 4th-5th. Alinman sa dalawa ay puwedeng kumumpleto sa top 4 na twice-to-beat sa playoffs. Toka ng Bolts ang Phoenix sa first game.

Pinakamainit sa kasalukuyan ang Batang Pier, naka-limang sunod na panalo sa likod nina Robert Bolick, import Jamal Artis, Arwind Santos at Jamie Malonzo.

Pumupuwesto rin sa top 8 ang NorthPort, kabuhol sa 5-5 ang Fuel Masters sa 8th-9th at ang matatalo ay posibleng mapagsarhan.

Rumurolyo si Bolick, kaabang-abang ang shootout nila ni Mikey Williams. Mapapalaban si Artis kay Aaron Fuller na kilala sa dominasyon sa paint.

Naka-apat na sunod na panalo din ang TNT, pero hindi nagustuhan ni coach Chot Reyes ang depensa ng team kontra Dyip.

“Our defense was terrible today, just horrible,” bulalas ni Reyes pagkatapos ng laro. “We’re in for a very, very tough battle on Friday against NorthPort. They’re the hottest team in the league now so that way we’re gonna be tested.” (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.