Una sa Balita

Bolick nagulat sa Gilas call-up

0 295

23-anyos pa lang si Robert Bolick, unang season sa Philippine Basketball Association ay may pagkakataon agad na marepresenta ang Pilipinas sa Fiba (International Basketball Federation) World Cup.

Naging blessing in disguise para sa dating­ San Beda University star ang pagliban ni Jayson Castro at pagtanggi ni Bobby Ray Parks, Jr sa national team duties, tinapik ng Gilas para makasama sa pool at magsisimula na ng ensayo ngayong Lunes.

“Bahala na kung ano mangyari,” ayon sa tubong Ormoc, Leyte. “But just the thought na na-invite ako, masarap talaga sa feeling.”

Ngayong Commissioner’s Cup, arangkada ang mga numero ni Bolick, isa na ngayon sa mga lider pagdating sa scoring lalo’t na-trade si Stanley Pringle sa Ginebra. Nag-aaverage ngayon ang NorthPort guard ng 17.29 points, 5.43 rebounds at 4.43 assists sa pitong laro.

Maganda man ang nilalaro, nagulat pa rin si Bolick sa pagkakasama ng pangalan sa Gilas pool.

“Yung this early in my career? Talagang hindi ko ine-expect na makakasama ako,” panapos niya.

Bukod sa kanya, sama na rin sa pool ang nasuspindeng si Kiefer Ravena tapos pagsilbihan ang Fiba 18-month suspension dahil sa banned substance. (RMP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy