Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bolick lider sa BPC award

0 159

PINANGUNGUNAHAN ni Robert Bolick ng NorthPort Batang Pier ang mga kandidato sa pagiging Best Player of the Conference award sa ginaganap na PBA Governors Cup bagaman tatlong iba pang manlalaro na ang koponan ay nakapasok sa playoffs ang inaasahang magiging kaagaw nito.

Lider ang NorthPort guard sa labanan sa BPC sa nabitbit nito na 39.9 statistical points tampok ang pangunguna sa liga sa scoring, assists at steals.

Nagtala ang dating San Beda College star ng league-best na 21.8 puntos, 8.8 assists at 2.2 steals.

Gayunman, hindi nakatuntong ang Batang Pier sa quarterfinals na inaasahang maghuhulog dito na makamit ang isa sa mga pinakamataas na individual award sa torneo.

Nasa likuran nito sina Matthew Wright, ang rookie na si Mikey Williams, at Kevin Alas, na nakahanda na sa playoffs.

Nasa balag ng alanganin si Wright ng Phoenix, na pinatalsik ang koponan ni Bolick na Batang Pier sa huling silya sa quarterfinals berth, kahit nasa No. 2 sa bitbit na 34.9 statistical puntos dahil kailangan ng koponan nito na magwagi ng dalawang beses para makausad sa semifinals.

Ikatlo si Williams ng TNT na 33.9 at si Alas ng NLEX na may 33.55 puntos na kapwa bitbit ng mga koponan ang twice-to-beat na bentahe na inaasahang makakadagdag sa matitipon nitong istatistika.

Nasa ikalima naman ang isa pang NorthPort player na si Arwind Santos na may 33.50 stats points. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.