Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bolden, nationals titibagin Singapore

0 107

Mga Laro Ngayon:
(Rizal Memorial Stadium)
4:00pm — Thailand vs Australia
7:00pm — Philippines vs Singapore

TATANGKAIN nina Sarina Isabel Bolden at buong Philippine National Women’s Football Team ang ikalawang sunod na panalo sa pagsagupa nito sa Singapore ngayong gabi sa pagpapatuloy ng ginaganap na pool play ng 12th ASEAN Football Federation Women’s Championship sa Rizal Memorial Football Stadium.

Sariwa pa ang women’s squad na tinatawag na Filipinas sa pagtatala sa una nitong panalo kontra Australia Under-23 na inaasahang sasandigan nito sa pagharap sa mapanganib na Singapore, alas-7 ng gabi.

Sinandigan ng Filipinas si Bolden sa pagsalpak sa ika-59 minuto sa natatanging goal na nagtala sa matinding 1-0 upset na panalo kontra sa dating kampeon na Australia, Lunes ng gabi.

Binalewala ng Filipinas ang pagbuhos ng malakas na ulan upang itala ang pambihirang tagumpay kontra sa kapwa nito World Cup-bound na Australians at agad na kapitan ang liderato sa pambungad na laban sa Group A ng torneo na isinasagawa sa unang pagkakataon ng Philippine Football Federation.

Naipasok ni Bolden ang bola mula sa isang header matapos maisagawa ang mahabang throw-in ni Eva Madarang na hindi napigilan ng Australian goalkeeper na pumasok sa gilid.

“Incredible, simply incredible. It is just a fruit of our hard work,” sabi lamang ni Bolden, na pinuri din ang ilang save na isinagawa ng goalkeeper ng bansa na si Olivia McDaniel.

Ang epikong panalo ay hindi lamang naglagay sa host sa pangunguna sa Group A kapantay ng karibal na Thailand, na tinalo ang Indonesia 4-0 sa isa pang laban sa grupo sa Binan Stadium sa Laguna, ngunit isang kasiya-siyang paraan ng pagbati sa lokal na tagahanga na hindi sila nakita mula noong 2019 Manila 30th Southeast Asian Games.

Ang 2008 champion na Australians ay nahulog sa hulihan matapos walang makuhang puntos sa kabiguan. (Lito Oedo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.