Una sa Balita

BOL plebiscite sa Cotabato tuloy — Comelec

0 377

TULOY ang nakatakandang plebesito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Co­tabato City sa Enero 21 sa kabila ng nangyaring pagsabog noong bisperas ng Bagong Taon na ikinasawi ng dalawang katao at pagkasugat ng 34 iba pa, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, tuloy ang BOL plebiscite sa Enero 21 sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Isabela City sa Basilan at Cotabato City. Samantalang ang mga nakatira sa Lanao del Norte maliban sa Iligan City at anim na munisipalidad ng North Cotabato ay magbobotohan sa Pebrero 6, 2019.

“There are statements [on the ground] that they would rather not be a part of the BOL ple­biscite, but Cotabato City is explicitly included in the BOL [provision of areas which should cast their vote on the plebiscite for BOL ratification]. The BOL plebiscite will continue there [in Cotabato City] as planned on January 21 and we are ready for it,” ayon kay Jimenez.

Ang BOL ang papalit sa ARMM sa pamamagitan ng Bangsamoro Autonomous Region na pamumunuan ng Bangsamoro Parliament na ihahalal ng mga mamamayan ng Bangsamoro region.

Dagdag dito, pagkakalooban ng BOL ang Bangsamoro Region ng limang porsiyento ng net national internal revenue collection ng Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs bilang block grant bukod pa sa P5 billion halaga ng Special Development Fund para sa Bangsamoro region.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy