Una sa Balita

BOL huhusgahan sa plebisito ngayon

By
0 509

ALL set na para sa Plebisito ng Bangsamoro Organic Law (BOL) kung saan inaasahang aabot sa 2.8M katao ang boboto para sa makasaysayang ratipikasyon ng batas para sa karapatan ng mga Moro ngayong araw.

Umabot sa mahigit sa 20,000 pulis at sundalo ang nag-implimenta ng mga checkpoint, liquor ban sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Cotabato City, Isabela City at Basilan kung saan gaganapin ang plebisito.

“Let the people vote… Ang ipakita dito natin iyung masiguro iyung orderly and safe na conduct of the elections,” pahayag ni AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal Jr.

Samantala patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang posibleng kaugnayan sa plebisito sa naganap na pamamaril kung saan napatay ang isang lalaki at anak nito sa bayan ng Maguindanao noong Sabado.

Kamakalawa din, nagkaroon ng motorcade sa Cotabato City ang daan-daang BOL detractor at supporter, wala namang naganap na kaguluhan sa nabatid na rally.

Ayon naman kay Bangsamoro Transition Authority chief minister Al- Hajj Murad Ebrahim, all system go at handa na ang ARMM, Cotabato City, Isabela City at Basilan City para sa BOL Plebescite ngayong araw.

Bukod sa ilang tension sa Cotabato City at Lanao Del Norte ay wala naman umanong ibang banta na nakikita ang pulisya ayon pa kay Ibrahim.

“Nag-declare ang Comelec na isailalim sa kanilang kontrol ang Cotabato City dahil sa tensyon. Sa Lanao del Norte, may namumuo ring tensyon sa pagitan ng provincial government at anim na municipalities na supposed to be ay papasok sa Bangsamoro Autonomous government,” pahayag ni Ebrahim.

Dagdag pa nito na sa ngayon ay patuloy ang proseso ng pagtatag ng peace process ng PNP, AFP at MILF para matigil ang tensyon.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More