Una sa Balita

Boksing pera-pera na lang kay Pacquiao

By
0 1,180

SA darating na Linggo (Hulyo 15), sasabak si Manny Pacquiao sa kanyang ika-69 laban bilang professional boxer.

Puntirya rin niya ang ika-60 panalo sa makulay na karera na sinahugan ng pitong talo, dalawang tabla at 38 KOs

Ang dating matunog na pangalang Pacquiao, unti-unti na ring nalilipasan ng kinang.

Abante Hiring – IT dep

Ayon sa boxing analyst na si Andreas Hale, kasabay ng pag-edad ng natatanging eight-division champion ang pagkasawa na rin ng manonood sa kanyang laban.

“Sadly, nobody really cares about a Pacquiao fight in 2018,” deklara nito sa kanyang artikulong ‘Manny Pacquiao is Fighting Again and Nobody Cares’ na nailathala sa online site na www.sportingnews.com.

Tingin ni Hale, wala na sa puso ni Pacquiao ang boxing at nasa isip na lang nito ang kumita pa ng limpak-limpak na pera.

“For some reason, Pacquiao – who was a bigger global star than just about everyone mentioned aside from (Floyd) Mayweather – is still lacing up the gloves, even though boxing isn’t even a priority for him. At this stage of his life, boxing waits in line far behind his family duties, his religion, and being of service to his fellow countrymen as a Senator of the Philippines. Boxing is just a thing that Pacquiao does on the side to make mo­ney,” dada pa nito.

Susubukang hubaran ni Pacquiao ng WBA 147-pound belt si Matthysse sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.