Una sa Balita

Bojo Molina bilib sa husay ni Mylene Dizon

0 401

Alam mo, Dondon, ‘katuwa rin ‘yung mga dating artista na based na sa abroad kapag nami-meet ko. Like si Bojo Molina nang magkita kami sa 11th Island Music Awards, halata ang excitement sa kanya nang dumating ako sa Lotte Hotel sa Guam, USA.

Napayakap nga sa akin ang dating cast member ng “Gimik” youth-oriented series ng ABS-CBN.

Actually, expected pala talaga ni Bojo ang pagko-cover ko ng event na ‘yon (na napanood sa “Anything Goes” online show ko sa Facebook page ng Abante News Online noong Saturday) dahil sinabihan na pala siya ng island singer na si Shirley Trinidad na darating nga ako.

Nakatutuwa nga ang pag-aasikaso sa akin ni Bojo sa event na ‘yon na ang namahala ay ang Sorensen Media Group kung saan ay business development manager ang designation niya.

Bale bukod sa events, may radio and TV stations ang nasabing kompanya kaya hindi pa rin naman nalalayo sa showbiz world ang dating ka-love team ni Mylene Dizon.

Sabi ni Bojo, nami-miss naman niya ang showbiz sa atin kaya sa tuwing umuuwi siya ay nakikipagkita siya sa ilang mga nakasama niya sa trabaho.

Bilib nga raw si Bojo kay Mylene dahil isa na ito sa mga magagaling na aktres na kinikilala sa atin.

May movie offer nga pala kay Bojo last year, pero may conflict naman sa schedule ng kanyang trabaho kaya hindi niya natanggap, pero sinabi naman niya na hindi naman niya tuluyang tinalikuran ang showbiz industry sa atin.

Kung kakayanin daw ng kanyang schedule ay may dumating na offer ulit ay baka tanggapin naman niya.

At dahil involved nga siya sa kompanya na puwedeng makatulong sa mga katrabaho natin sa showbiz sa Philippines, may mga kausap daw siya na balak gumawa ng project na ang Guam ang location at tutulong nga raw siya.

Hindi pa nga lang daw niya puwedeng sabihin kung ano ang mga ‘yon dahil pinag-uusapan pa.

Married na si Bojo at Pinay ang wife niya na nasa showbiz pa lang siya ay girlfriend na niya. Sa mainland daw muna sila ng misis na si Jen hanggang sa lumipat sa Guam.

Bale dalawa na ang anak nila, si Bryzen Oliver K. Punongbayan, 16 years old and plays volleyball (libero position) at si Jaedyn Olivia K. Punongbayan, 11 years old na sobrang subsob daw sa studies.

Sobrang nami-miss ni Bojo sa showbiz ang entertainment press.

“Noon kasi sa taping namin, maraming mga dumadalaw. Marami kaming mga ka-close na reporters.

“Ngayon kasi, may mga nagkukuwento sa akin na allowed lang daw na dumalaw sa taping o shooting ang press kapag may press set visit.

“Noon, nasanay kami na dumadalaw talaga ang press sa taping o shooting kahit walang press set visit.

“Sobrang close kami noon sa mga press,” kuwento pa ng dating “Gimik” actor.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy