Una sa Balita

Bohol mayor itinumba sa sabungan

By
0 1,138

Pinagbabaril hanggang sa mapatay si Buenavista, Bohol Mayor Ro­nald Tirol sa isang sabungan kahapon nang hapon.

Ayon kay Chief Inspector Rolly Lauron ng Buenavista Police, nangyari ang pamamaril bandang alas-tres nang hapon sa cockpit arena ng bayan ng Clarin.

Nasa labas umano ng sabu­ngan ang mga bodyguard ni Tirol nang pagbabarilin ang alkalde.

Hindi nakilala ang mga suspek na mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo.

Nakaligtas umano ang biktima sa unang pagtatangka sa kanyang buhay may dalawang taon na ang nakararaan sa sabungan din na pag-aari nito.

Malaki umano ang posibilidad na may kinalaman sa politika ang motibo nang pagpatay.