Una sa Balita

Bogut sakit-ulo ng Gilas Pilipinas!

By
0 1,397

MAY dagdag-sakit ng ulong parating sa Gilas Pilipinas kapag nakaharap ang Australia sa ikalawang pagkakataon sa 2019 FIBA Asia World Cup Qualifiers sa Hulyo sa Philippine Arena.

Posibleng maglaro sa Boomers si dating NBA top pick Andrew Bogut sa susunod na window ng qualifiers. Lunes ay kinumpirma na ni Bogut ang pagreretiro sa NBA at pumirma agad ng two-year contract sa Sydney Kings sa National Basketball League.

No. 1 pick ng Milwaukee si Bogut, 33-anyos, noong 2005, naka-pitong seasons din sa Bucks bago nalipat sa Golden State at nagkampeon kasama ng Warriors noong 2015. Naglaro din siya sa Dallas Mavericks at sa Cleveland Cavaliers, huling stop niya sa Los Angeles Lakers.

Pinakamatikas na basketball player marahil na produkto ng Australia ang 7-footer na si Bogut, pero napalamutian ng injuries ang 13 seasons niya sa NBA.

Sinabi ni Bogut sa heraldsun.com.au na all-out siya sa pagla­laro sa Australian national team para sa 2019 World Cup hanggang sa 2020 Tokyo Olympics.

“The World Cup next, so hopefully the Boomers lead-up games against the US next year, which is an historic moment for our young basketball nation,” aniya. “The obviously the Olympic Games.”

Sa Hulyo ay ang Australians naman ang dadayo ng Pilipinas sa next window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.