Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bogus online seller kalaboso

0 388

Kalaboso ng pulisya sa Butuan City ang suspek sa pagbebenta ng cellphone online pero matapos na makuha ang pera ay hindi na ide-deliver ang gadget sa buyer.

Kinilala ng Caraga regional police office ang suspek na si Rogelio Guirit, 23, ng Brgy. Ampayon na naaresto noong Huwebes. Nagsumbong sa pulisya ang biktimang si Rocky Pia makaraang bumili umano ng cellphone kay Guirit sa isang online platform.

Aniya, kailangan umanong magbigay ng advance payment na kalahati ng presyo ng gadget para maibigay ito ni Guirit. Pero makaraang ipadala ng biktima ang pera sa isang remittance center, hindi na umano ma-contact si Guirit at hindi rin tumupad sa kanilang meet-up para mabayaran ang balance at kunin ang item.

Umaksyon naman ang pulisya para isailalim sa surveillance si Guirit at mabitag sa entrapment operation. Nakuha sa kanya ang cellphone, iba’t ibang identification card na may magkakaibang address at iba’t ibang resibo mula sa remittance, at P400 cash.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.