Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bogdanovic, Hawks tutuka

0 35

TULAD noong nakaraang 75th NBA season, dehado pa rin ang Atlanta Hawks sa papasok na 2021-22.

Nanggulat ang underdogs noong huli dahil biglang nag-No. 5 sa East, tinumba ang No. 4 New York sa first round ng playoffs.

Kinainisan ng Knicks fans si Trae Young na naging bagong “Most Hated Man in the Garden”.

Pinag-impake ng Hawks ang liyamadong Philadelphia 76ers sa second round bago tumukod sa eventual champion Milwaukee Bucks sa conference finals.

“People still don’t believe in us, and that’s normal,” puna ni Atlanta sharpshooter Bogdan Bogdanovic, via Chris Kirschner ng The Athletic Sabado. “To prove someone wrong, you have to do it multiple times.”

Kaya binalik ng Hawks ang dating roster para ulitin ang pangungulit. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.