Una sa Balita

Bodyguard huli sa ‘di lisensyadong baril sa Cavite

By
0 145

ARESTADO ng pinagsanib na puwersa ng Tanza Municipal Police Station, Regional Intelligence Division/Provincial Intelligence Team at Regional Special Operation Unit ang isang civi­lian bodyguard ng kila­lang politiko sa bayan ng Tanza, Cavite

Nabatid na nagsasagawa ng surveillance ang mga operatiba sa Brgy. Punta 1, kaugnay sa ‘wanted person’ nang maispatan nila ang suspek na si Charito Mercado Yebora, dakong alas-11:00 nang umaga kamakalawa.

Kapansin-pansin umano ang baril na nakasukbit sa beywang ng suspek kaya naman sinita ito ng mga operatiba. Walang naipakitang dokumento ang suspek sa gamit niyang kalibre .45 na kargado ng limang bala.

Tuluyang inaresto ang suspek at nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 10591 (Illegal Possesion of Firearms and Ammunition)

Napag-alaman rin na kasalukuyang board member ang amo ng suspek sa nasabing bayan at nakatakdang tumakbo bilang vice mayor sa paparating na midterm election sa Mayo 2019.