Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

BOC sinamsam ₱12M COVID medicine, smuggled yosi

0 375

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Manila International Container Port (BOC-MICP) ang may ₱12 milyong halaga ng mga Chinese cigarettes, medical supplies, at mga alternatibong medisina para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Mandaluyong City at Paranaque City.

Nabatid na ininspeksiyon ng mga operatiba mula sa BOC-MICP at Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang pasilidad at isinilbi ang Letters of Authority (LOA) na nilagdaan ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero noong Biyernes, Marso 25.

“This operation is in response to smugglers who take advantage of the pandemic and especially Holy Week and ECQ to smuggle illegal medicines and contrabands into the country,” ayon kay Alvin Enciso, chief ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa MICP.

Ang unang storage facility sa Mandaluyong City ay natuklasang mayroong nakaimbak na kahun-kahong Chinese cigarettes at mga gamot na Linhua Qingwen Jiaonang, na nagkakahalaga ng ₱5 milyon. Ang Linhua Qingwen Jiaonang ay Chinese medicine na ginagamit na panlunas sa COVID-19.

Ang pagkakadiskubre sa isang makeshift clinic at dalawang intravenous sets ng mga pasilidad ay nagpapatunay rin na ang naturang lugar ay ginagamit sa panggagamot ng mga pasyenteng hinihinalang infected ng SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19.

Samantala, isa pang team ng mga operatiba ng BOC, kasama ang National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU), ang nag-inspeksiyon naman sa ikalawang storage facility sa Paranaque City at dito nila nadiskubre ang tinatayang nasa ₱7 milyong halaga ng mga Chinese cigarettes, facemasks, face shields, at mga gamot, na kinabibilangan ng Linhua Qingwen Jiaonang.

Ayon sa BOC, ang naturang mga operasyon ay bahagi ng kanilang pinaigting na pagsusumikap para mabantayang mabuti ang seguridad ng mga hanggahan o boarder ng bansa.

Ang mga nakumpiskang items ay kaagad na dinala sa BOC facility upang maisailalim sa inventory at masusing imbestigasyon para sa posibleng paglabag sa Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Intellectual Property Laws of the Philippines.

Anang BOC, ang naturang pinakahuling operasyon nila ay alinsunod sa kanilang anti-smuggling efforts at pagtupad ng MICP sa kanilang mandato, sa ilalim ng gabay ni Guerrero.

Matatandaang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng Lian Hua Qing Wen sa bansa ngunit pinaalalahanan ang publiko na bumili lamang nito mula sa mga awtorisadong distributors.

Leave A Reply

Your email address will not be published.