Una sa Balita

BOC papaampon muna sa PPA, Marina

By
0 463

Pinamamadali ni Bureau of Customs (BOC) Chief Rey Leonardo Guerrero ang pagsasaayos sa nasunog na opisina ng kagawaran.

Ayon kay Guerrero, sisikapin ng Port of Manila at kanilang punong tanggapan na maibalik sa normal ang operasyon ng BOC sa lalong mada­ling panahon.

Kaugnay nito, patuloy umano ang paglilipat nila ng operasyon sa South Harbor gymnasium at nakikipag-ugnayan na rin sila sa Philippine Ports Authority (PPA) at Maritime Industry Authority (MARINA) upang magamit ang kanilang pasilidad.

Pagtitiyak ng opisyal, walang mahahalagang dokumento ang naabo ng sunog.

Patuloy rin umano ang imbestigasyon sa pinagmulan ng apoy at ina­alam pa ang halaga ng kabuuang pinsala nito.

Nabatid na umabot sa ikalimang alarma ang sunog sa gusali ng BOC na tumagal ng sampung oras bago idineklarang fire-out ng BFP. ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy