Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

BOC nasamsam P4.7M puslit na mga gulay sa Malabon

0 173

Umaabot sa P4.72 milyong halaga ng mga puslit na agricultural products, gaya ng mga brocolli, carrots at red onions, ang nakumpiska ng mga anti-smuggling operatives ng Bureau of Customs (BOC) at mga partner law enforcement agencies nang salakayin nila ang isang bodega sa Malabon City.

Ang mga agricultural products ay nagkakahalaga ng eksaktong P4,724,000 base sa inisyal na inspeksiyon na isinagawa ng grupo noong Nobyembre 11.

Ang BOC team, sa pamumuno ni Alvin Enciso, hepe ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa Manila International Container Port (MICP), ay umaksiyon sa bisa ng Letter of Authority (LOA) at Mission Order na inisyu ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.

“Our mandate has always been to clear our ports of all kinds of smuggling. Recently, we’ve been getting information about smuggled fruits and vegetables, which we have been acting upon diligently,” ani Enciso.

“As I’ve said earlier, smuggling agricultural products into the country is very personal to a lot of our countrymen since we depend heavily on our agricultural industry,” dagdag pa niya.

Ang operasyon ay naging posible sa pagtutulungan ng CIIS-MICP, Philippine Coast Guard (PCG), Department of Agriculture (DA), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Department of Trade and Industry (DTI), at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ang grupo ay agad na nagtungo sa nasabing bodega sa Catmon, Malabon City matapos na mailabas ang LOA at MO.
Sa inspeksiyon sa isa sa mga bodega sa loob ng compound, nadiskubre ng grupo ang pitong reefer vans na ginagamit bilang temporaty cold storage.

Sa pitong van, tatlo ang naglalaman ng smuggled broccoli, carrots, red onions, at iba pang imported products habang wala namang laman ang apat na iba pa.

Nilagyan ng grupo ng temporary seals at padlocks ang mga warehouse upang i-secure ito.

Nakatakda na ring magsagawa ng inventory sa mga goods ang customs examiner na sasaksihan ng CIIS, Enforcement and Security Service (ESS), at PCG.

Pinuri naman ni Guerrero ang naturang pinakahuling matagumpay na operasyon at sinabing kailangan ng ahensiya na maglagay ng mga pamamaraan upang i-secure ang mga ganitong industriya at sektor.

Tiniyak rin niya sa publiko na ang BOC ay mananatiling vigilante sa pagprotekta sa bansa laban sa pagpasok ng mga smuggled agricultural products.

Leave A Reply

Your email address will not be published.