Una sa Balita

BOC kumasa sa X-ray scan probe ng Kamara

0 331

NAKAHANDA ang Bureau of Customs (BOC) sa desisyon ng Kongreso na mag-imbita ng eksperto para magpaliwanag sa mga imahe sa X-ray scan upang malinis ang pa­ngalan ng ahensiya laban sa mga akusasyon ng katiwalian at pagkakasangkot sa pagpupuslit ng iligal na droga.

Ito’y kasunod ng pahayag ni Customs X-ray chief Zsae de Guzman na hindi pa kailanman nagkakamali sa kanyang tungkulin ang X-ray inspector na sumuri at tumukoy sa X-ray photo scan.

Sinanay pa aniya ang kanilang X-ray ins­pector sa Nuctech na ang supplier ng mga X-ray machine sa BOC.
Iginiit ni BOC X-ray expert na si John Mar Morales sa nakaraang pagdinig ng Kongreso na walang pagkakaiba sa brown color sa black and white scan ng X-ray na ipinupunto ni Marikina Rep. Miro Quimbo.

Nasa panig na aniya ng PDEA kung paano nila patutunayan ang alegasyon na may nakalusot ngang droga sa BOC dahil paninindigan nilang walang ire­gularidad sa resulta ng X-ray photographs na kuha mula sa apat na magnetic lifter na sinasabing naglalaman ng P6.8 billion.