Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

BOC hinagisan ng granada

0 252

Muling naghasik ng pangamba sa mga mamamayan ng Maynila ang hindi pa nakikilalang suspek na sangkot sa panibagong insidente ng paghahagis ng granada sa gate ng Bureau of Customs (BOC) kahapon sa South Harbor, Port Area, Maynila.

Sanhi nito, inatasan ni Manila Police District Director PBGen.Leo Francisco, ang MPD-Police Station 6 at Police Station 13 na magsagawa ng masusing imbestigasyon para matukoy kung sino ang nasa likod ng insidente.

“Yung isa sa Manila Arena -2 granades, magkasunod na araw nakita mga granada. Yung sumunod kanina sa customs, south harbor, intended eto sa partikular na tao o grupo. Hindi naman sa seguridad ng Manila. Pero inataasan ko na ang PS6 at PS13 na imbestigahan ng maayos at alamin kung sino nasa likod nyan,” ayon kay Francisco.

Iniutos na rin ni Francisco ang pagdagdag ng checkpoints para mabantayan ang mga mamamayan ng Maynila.

Una nang hinagisan ng granada sa magkasunod na araw ang Manila.Arena.

Wala naman nasawi o nasugatan dahil hindi naman sumabog ang 2 granada. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.