BOC fuel marking dinadagsa
SUMAILALIM na rin ang Chevron sa fuel marking sa Bureau of Customs (BOC) at SICPA SA-SGS Philippines.
Ang live fuel marking ng Chevron Philippines Inc. (CPI), marketer ng Caltex brand ng mga top-quality fuel, lubricant, at petroleum product, ay isinagawa kamakailan sa kanilang import terminal sa San Pascual, Batangas.
Dahil dito, ang CPI na ang naging kauna-unahan sa tinaguriang ‘big 3’ oil companies na tumalima sa fuel marking requirement na ipinatutupad ng pamahalaan.
Ang naturang fuel marking activity ay isinagawa noong Nobyembre 11, 2019 at sinaksihan ni BOC Deputy Commissioner for Enforcement Teddy Raval at iba pang opisyal at kinatawan mula sa fuel marker consortium, SICPA SA-SGS Philippines, at CPI.
Related Posts
Si Raval ang head ng implementing BOC office sa Fuel Marking Program ng pamahalaan.
“The other oil companies with unmarked fuel are encouraged to do the same. They still have three months to comply. We will strictly enforce and impose penalties as mandated by the law,” ani Raval.
Nabatid na layunin ng naturang fuel marking activity ng pamahalaan na sugpuin ang oil smuggling sa bansa, sa pamamagitan ng paglalagay ng molecular marker sa mga imported, manufactured at refined fuel product gaya ng gasolina, diesel, at kerosene.