Una sa Balita

BOC, bubulabugin sa basura galing SoKor

By
0 764

BUBULABUGIN ngayong umaga ng toxic group na EcoWaste Coalition (EWC) ang tanggapan ng Bureau of Customs (BOC) para sa agarang pagbabalik ng may 51 container ng basura sa South Korea.

Alas-nuwebe ng umaga ay magsasagawa ng pagkilos sa Gate 3 ng BOC ang EWC para isulong ang pagbabalik ng mga basura sa SK.

Nabatid sa EWC na pumayag naman ang SK na maibalik sa kanila ang mga basura kaya hindi na umano ito dapat patagalin pa sa Port of Manila.

Hindi na umano dapat abutin ng hanggang Dis­yembre 25,ang naturang basura.

Sinabi rin ng EWC na dapat na rin ibalik ang basura na galing sa Canada.

Nabatid na ang naturang basura ay dumating sa bansa noong Hulyo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy