Una sa Balita

BOC bantay basura hihigpitan

0 189

Isang tanggapan ang itinatag ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner­ Rey Leonardo Guerrero sa kanyang ahensiya na ang tanging trabaho ay bantayan ang mga kargamento na naglalaman ng hazar­dous waste at iba pang uri ng basura na dadaan sa mga port of entry ng bansa.

Sa inilabas na Customs Memorandum Order (CMO) No. 38-2019, binuo ni Guerrero ang Environment Protection and Compliance Division (EPCD) sa ilalim ng Enforcement and Security Service (ESS) ng BOC.

Magiging trabaho nito na bantayan ang pagpro­seso ng mga kagramento katulad ng mga hazardous substance, waste product, nuclear waste, recyclable product o ang mga substance na nasa ilalim ng kontrol ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

May kapangyarihan ang EPCD na magrekomenda ng alert order, pre-lodgment control orders at paghahain ng kaso laban sa mga may-ari ng kargamentong nagl­ala­man ng mga kontrabando. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy