Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bobo umarte: Paul ginustong layasan showbiz

0 50

Inamin ng Kapuso hunk na si Paul Salas na muntik na siyang mag-quit sa showbiz dahil sa isang mature role na nahirapan niyang gampanan.

“Noong 16 ako, nagkaroon ako ng drama and more mature role. Sanay pa ako dati, kasi mahirap pong mag-switch from child actor to mature roles. Nagkaroon po ako ng opportunity noon tapos puro big stars pa kasama ko.

“Naalala ko before, ‘di ko magawa ‘yung isang eksena, sobrang bigat na eksena. Hindi ko talaga magawa. Siguro umabot kami ng buong araw. Tapos hindi na lang pinalagpas, sabi sa next taping day na lang kung kailan magagawa mo ulit. Sobra akong na-down doon kasi bakit ganun? Ako nga ‘yung pinili nila tapos ‘di ko magagawa.

“May point of giving up na ako sa showbiz noon, after nung eksenang ‘yun pumasok ako sa kotse sabi ko, ayoko na, ayoko na. Umayaw na talaga ako.”

Naging challenge kay Paul yung pangyayaring iyon. Naghanap siya ng solusyon para maibalik niya ang kanyang passion sa pag-arte. Naging big help din daw ang suporta ng pamilya niya.

“Mas mahirap kasi kapag nag-iisip ng ganun eh. Parang ‘pag masyado kang nag-o-overthink para sa sarili. Mas hindi mo magagawa.

“So na-realize ko noon bakit hindi ako maging relaxed, isipin ko kung bakit ako nagsimula sa showbiz. Isipin ko ulit kung ano ang passion ko. Passion ko ‘to. So relax and gawin mo.

“Na-help ako nila dad sa ganun, ng family, mas gumaan na ‘yung sarili ko. Nagawa ko na rin sa wakas tapos nakapag-adjust na rin ako hanggang ngayon. Nagi-improve pa rin hanggang ngayon.” (Ruel Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.