Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Board of Stewards todo sa paghihigpit

0 215

PATULOY ang pagiging mahigpit at mausisa ng Board of Stewards (BoS) para maprotektahan ang mga karerista.

Nakaraan lamang ay ipinatawag ng BoS ang dalawang hineteng sina Rodeo Fernandez at SD Carmona upang magpaliwanag sa kanilang mga sinakyan Martes ng gabi.

Nirendahan ni class A rider Fernandez ang kabayong Go Tango habang kay class C jockey Carmona si Janni Banni, nagkarooon ng insidente sa largahan kaya naman bahagyang naantala ang arangkada ng unang kabayong nabangit.

Maliban sa largahan, pinagpaliwanag din si Fernandez sa takbo ni Go Tango sa unang kurbada.

“Stewards called RG Fernandez (Go Tango) to explain his ride at the start and reaching the first turn. He explained that his mount was bumped at the start by Janni Banni reasoned for him to look behind (Right side) to make sure if there was no horse coming in. Reaching the first turn, He opted to bring his mount on the outer rail since there was no ample space for his mount inside. Stewards accepted his explanation, ” nakasaad sa statement ng BoS.

Maganda ang paliwanag ni Carmona kaya hindi rin ito napatawan ng suspension ng BoS.

Nanalo sa laban si Wiling Willie na nirendahan ni class B Rider RF Torres.

Kinubra ng may-ari ng Wiling Willie ang added prize na P5,000 sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.