Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Board member ng Cavite, ninakawan

0 9

NAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Cavite police sa pagkakakilanlan sa suspek na tumangay sa laptop ng incumbent Board Member ng Cavite at cellphone ng kasama nila sa bahay sa Tagaytay City, Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Reynaldo Ambion, 38, Board Member ng 8th District ng Cavite at Denisa Jallorina, 32, kasambahay at kapwa residente ng 139B Brgy Tolentino East, Tagaytay City.

Sa ulat ni Corporal Braiann Balani ng Tagaytay City Police Station, mahimbing na natutulog ang mga biktima ala-1:00 Sabado ng madaling-araw nang pasukin ito ng di nakilalang suspek.

Base sa Closed Circuit Television (CCTV) footage, dumaan ang suspek sa bukas na bintana ng kanilang katulong at kinuha ang cellphone nito at laptop ni Ambion na naiwan sa kanilang sala.

Matapos makuha ang mga target ay tumakas na ang di nakilalang suspek.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.