Una sa Balita

BNTV finals sa LPC ngayon

0 232

SAGUPAAN ng Cavite at Metro Manila cockers ang pambato ng “BNTV 9-Stag Derby” final round ngayon, Agosto 29, sa air-conditioned Las Piñas Coliseum.

Pasabong ni Joey Sy ng Bakbakan Na TV show ang 4-stag finals ngayon para sa mga umiskor ng 2, 2.5, 3, 3.5 at 4 points sa kanilang elims at semis rounds.

Kasunod sa LPC ang “AAO Big Event 6-Stag Derby” sa Sept. 7 (150 sultada).
Tutulong kay host Gerry Ramos ng Against All Odds entry sina Charlie “Atong” Ang, RJ Mea at Reps. Eddiebong Plaza at Sonny Lagon, mga katropang promoters niya sa World Pitmaster Cup 9-Stag International Derby.

Bitaw naman ang “LPC 30th Anniversary 5-Stag Derby” ni Mayor Nene Aguilar sa Setyembre 9, 12 at 15 at ang Alexander 4-Stag Derby (Alex Tobias) sa Oktubre 16.

Sa mga detalye: 873-1040, 0929-180-0960 (Grace 1), 0939-137-6455 (Grace 2) o 0915-358-2076 (Julius). (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy