Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

BMX rider Patrick inayudahan ng POC

0 42

LUBHANG ipinagpasalamat ng Fil-Am BMX rider na si Patrick Coo ang itinuring nitong malaking tulong para sa asam na makatuntong sa susunod na Olympics.

“Honored to be part of the International Olympic Committee (IOC) Scholars among a talented group of Filipino athletes. This award goes to show the support of assisting and furthering an athlete’s education and training. Furthermore you can do both with that being chasing an Olympic dream and a degree! #lindseywilson #philcycling #racefastbmx #supercrossbmx #olympicdream,” sabi ng 18-anyos na si Coo na kinapos makatuntong sa nakaraan na 2020 Tokyo Olympic Games matapos na huling sandali na desisyunan na isabak sa qualifying tournament para makakuha ito ng ekspiriyensa para sa susunod na mga Olimpiada.

Kabuuang walong PIlipinong atleta ang nabiyayaan ng Olympic Solidarity Scholarships ng International Olympic Committee (IOC) na siyang nagbibigay ng tulong sa lahat ng mga National Olympic Committee (NOC) tulad ng Philippine Olympic Committee (POC) upang itustos nito sa pagdedebelop ng mga atleta partikular na sa mga may malaking pangangailangan para sa kanilang pagsasanay.

Related Posts

Ang walo ay kinabibilangan mismo ni Coo sa BMX bike, Ernest John “EJ” Obiena ng athletics, Elreen Ann Ando ng weightlifting, Rogen Ladon at Aira Villegas ng boxing, Samanta Catantan ng fencing, Jericho Francisco ng skateboarding at Allan Mitch Arcilla ng wrestiling.

Kada buwan, tatanggap ang POC ng US$7,500 mula sa IOC na hahatiin sa walong napiling Pilipinong atleta o partikular na makukuha ang $937.50 o kabuuang P47,000 kada buwan. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.