Una sa Balita

Blu Girls tutok sa 2020 Olympics

By
0 10

Pokus ang Philippine Blu Girls sa bibihirang tatlong oportu­nidad para makahugot ng tiket sa nalalapit na 2020 Summer Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Sinabi ni Amateur Softball Association of the Philippines operations chief Esmael Veloso, na nakatuon sa todong preparasyon ang national women’s softball team para sa magarbong World Championships sa 2018 Chiba, Japan na gaganapin bago ang 18th Asian Games sa Agosto 18-Setyembre 2 sa Indonesia.

“We have three good chances in ma­king it to the 2020 Olympics kaya tala­gang nakatutok kami na paghandaan nang husto ng Blu Girls natin with still some eight months to go,” ani Veloso kahapon.

Ipinaliwanag ni Veloso na ang tatanghaling kampeon sa World Championships ang tanging ookupa sa nag-iisang silya na nakatakda para sa Asya sa qualifying para sa Toky­o Olympics.

Ang ikalawang paraan ay ang kasunod na Asia-Oceania at ang ikatlo ay ang pinakaastig na World Open Softball.

Matatandaan na nakapagkuwalipika ang Philippine Blu Girls sa 2018 World Championships at 18th Asian Games matapos na mag-silver medal sa katatapos na 2017 Asian Women’s Softball Championship sa Taichung, Taiwan.

Nabigo ang Blu Girls sa powerhouse Japan, 7-0, pero ang pagiging segunda puwesto nito’y kinatampukan ng mga impresibong panalo sa world ranked na koponan at nagtulak dito para makuha ang tsansa na makalaro sa 2 malala­king torneo.

Raratsada ang 2018 Asiad sa Palembang at Jakarta sa Indonesia.