Una sa Balita

Blu Girls humambalos ng upset

By
0 3

Walang problema kay Philippine national wo­men’s team starter Sierra Lange maski walang tulong basta’t nasa loob siya ng bilog at pinakita iyon kahapon ng umaga (Manila time) nang sa ma­pwersa niyang se­ven innings ay matakbuhan ng world No.  23 Blu Girls ang No. 19 Vene­zuela, 2-1.

Tinuldukan ng Filipina clouters ang fifth straight defeats sa 11th World Cup of Softball 2016 sa ASA Hall of Fame Complex sa Oklahoma City, Oklahoma, United States.

Solido naman sa plate si Dani Gilmore, na naka-1-3, na siya ring umayuda sa isang sixth inning run ni  Angelie Ursabia bukod pa sa isang naiskor niyang run sa third inning na tumapat na lang sa seventh inning solo home run ni Taicey Sojo para sa Vene­zuelan.

Nakatakas ang mga Pinay sa mga pagtaob sa  world No. 7 Netherlands sa seven innings 0-6; sa No. 11 Puerto Rico sa seven innings 5-7; sa top ranked at reigning world champion Japan sa abbreviated four innings 0-11;  sa  No. 2 Estados Unidos sa napaigsing four innings 1-11; at  sa no. 6 China sa five innings 1-8.

Pero bago dumilim, muling tumilapon ang Blu Girls laban sa no. 3 Australia sa seven innings 3-2 sa wakas ng prelims assignments kaya baklas sa Final Four sa 13-team, 12-nation, six-day meet.