Bloggers na ‘dilawan’ open sa Duterte coverage – Andanar

By

Bukas sa lahat ng bloggers ang pag-cover sa mga aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte, mapa-anti o pro-Duterte man, ‘dilawan’ o kahit mga walang kinakampihan.

Ito ang inihayag ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar bilang pagkilala sa mapanuring mata ng mga social media practitioners.

“Kapag sila po ay nag-apply, whether pro-Digong, whether dilaw ka or whether wala kang kinakampihan, apolitical or talagang as in observer ka lang ng politika, you are all welcome … at tingnan natin kung yung mga past blogs at write-ups mo are really consistent and until now you’re also consistent. So wala po tayong pinipiling political color, political leaning,” giit ni Andanar.

Nilinaw din ng kalihim na hindi ika-classify na journalist ang mga social media practitioners na mabibigyan ng akreditasyon sa mga events ni Pangulong Duterte.

“Bloggers or the social media practitioners are given accreditation not as journalist, not as members of mainstream media and not as Malacañang Press Corps (MPC),” paglilinaw ni Andanar.

Nilagdaan ng PCOO chief ang Department Order No. 15 o ang interim social media practitioner accreditation  na nagpapahintulot sa bawat indibidwal na 18-years old pataas na may social media page at may tinatayang 5,000 followers na magpartisipa o mag-cover sa mga aktibidad ni Pangulong Duterte.

Ang bawat blogger ayon pa ka Andanar ay kailangang mag-apply ng kada event na accreditation na hindi tulad sa MPC na minsanan lamang ang aplikasyon.

SHARE