Una sa Balita

#Blessed: Abante FB page humamig ng 1M follower

By
0 474

Bonggang-bongga naman ta­laga ang pasok ng suwerte sa Abante News Online nga­yong Year of the Pig!

Katatapos lang ng Chinese New Year at mukhang may nakaabang nga namang good news dahil uma­bot na ng higit isang milyon ang nagtitiwala sa pag-follow ng page nito sa Facebook page.

Ayon sa facebook chart kasi ay umakyat na nga ng higit isang milyon ang follower ng Abante News Online Facebook page!

Nagsimula kasi talaga ang Facebook page ng Abante noong August 2010 na maliit lamang ang follower pero ngayon ay namamayagpag na nga sa mga nagtitiwalang Pilipino, at kung titignan din, hindi lamang pala Pilipino ang nagtitiwala kung hindi pati rin mga ibang lahi na katunayan ay makikita sa listahan ng likers o followers nito!

Kung titignan naman ay 2015 ang unang release ng live updates na una riyan ang ‘Pacquiao vs Mayweather’ at in fairness pumatok sa mga netizen!

Sa unang launching ng Abante News Online, news updates pa lamang ang mga pino-post, kalauna’y nag-umpisa na rin ang online shows tulad ng D’Ambetable Show ni Ambet Nabus at ­Abanteliling nina Dondon Sermino at Rey Puma­loy, sinundan ng mga programang Tambayan ng Tsika nina Roldan Castro, Beth Gelena at Nonie Nicasio, Showbiz Pa More ni Rommel Placente, Mildred Bacud at Rodel Fernando, Anything Goes ni Jun Lalin. Hindi rin papa­huli riyan ang sports segment na Sportalakan na nangunguna si Sarah Asido at Ramil Cruz.

Buena manong guesting si Ruru Madrid nang mag-umpisa ang Aban­teliling, sinundan nina Ryza Cenon na talaga namang nagbi­gay ingay sa sampalan eksena ng aktres kay Rey; Meg Imperial kasama si Christian Bables, Ate Gay, Patricia Javier kasama si Doc Rob, Andrea Del Rosario, Kyline Alcantara at marami pang iba.

Sa D’Ambetable Show naman ay buena mano si Kiefer Ravena, Marion Aunor, Ali Forbes, Cindy kasama si Clarice Patrimonio, at Kenneth Duremdes.

Sa Tambayan ng Tsika naman ay nangunang mag-guest si ­Keanna Reeves, sinundan nina Allona Amor kasama si Nash, Tori Garcia, Seira Briones kasama si Boobsie, Lance Reymundo kasama si Rannie Reymundo, Glaiza De Castro, Jhane Santiguel, at Pauline Mendoza.

Ngayon ay lumalago na nga ang pamilya ng Abante at nag-develop na ng iba pa ring mga show kung saan makaka-relate na rin ang mga milllennial dahil mayroong programang nakalaan para sa mga bagay na interesado na inilalabas ng Abante Web TV at siyempre ang host natin diyan ay sina Athena Yap, Rona Ronda, at Jennie Bonajos.

Siyempre hindi lamang diyan natatapos ang mga bagay na pinag-iinteresan ng mga tagasuporta, nariyan din ang programa ni Dra. Margie Holmes na Walang Echos.

Kung milyon-milyon ang mga followers ay siyempre higit naman sa milyon ang pasasalamat ng Abante sa mga taong nagtitiwala at sumusuporta na hinding-hindi magsasawang magserbisyo sa buong sambayanan. Patuloy na aabante at mangunguna sa balita!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy