Una sa Balita

Blazers dapa kay Bulanadi, Stags

0 188

LYCEUM PINULBOS DIN ANG PERPETUAL

Mga laro ngayon:

(FilOil Flying V Centre)

12:00nn — Jose Rizal U vs Emilio Aguinaldo

2:00pm — Mapua vs Letran

4:00pm — Arellano vs San Beda

PATULOY ang pagpapakitang gilas ni Allyn Bulanadi kaya naman nasilo ng San Sebastian College Stags ang five-game winning streak sa 95th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Nangamada si Bulanadi ng 32 points upang akbayan ang San Sebastian sa 83-67 panalo kontra College of Saint Benilde Blazers.

Dahil sa panalo, lumakas ang tsansa ng Stags na sumampa sa top four pagkatapos ng 18-game eliminations kapit ang 7-3 karta.

Simula pa lang ng laban ay uminit na agad ang opensa ni Bulanadi kaya nahawakan ng Stags ang nine-point lead sa halftime.

Hindi nagpabaya ang Baste, lalong ginanahan sa third para ikahon ang 18 puntos na bentahe, 68-50, papasok ng fourth period.

Nakatuwang ni Bulanadi sa opensa sina RK Ilagan at Alvin Capobres upang ipalasap sa Taft-based squad Blazers ang pang-apat na talo sa 10 laro.

Samantala, binitbit ni Jaycee Marcelino at Mike Nzeusseu ang Lyceum Pirates upang kunin ang ika-2 sunod na panalo sa round 2 nang talunin ang Perpetual Altas, 89-74, sa second game.

Tig-21 points ang tinapos nina Mike at Jaycee, na nagdagdag pa ng 8 rebounds upang dalhin ang Intramuros-based squad sa No. 2 spot hawak ang 8-3 karta.

Hindi rin nagpahuli ang kakambal ni Jaycee na si Jayvee na gumawa ng 11 markers at 6 boards. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy