Una sa Balita

Blaze Spikers sanay sa hirap

0 278

TIWALA si head coach Emil Lontoc na madedepensahan ng Petron Blaze Spikers ang kanilang titulo sa darating na Philippine SuperLiga Grand Prix 2020 na magsisimula sa Pebrero 29.

Dumaan sa malaking revamp ang koponan kung saan limang veteran player na lamang ang natira para sa Petron.

“Positive thinker ako eh. Once na may pangyayari anong mabuting gawin. So ‘yun ‘yung ginawa ko, lahat ng player ko, in-encourage ko, mino-motivate ko,” paliwanag ni ­Lontoc.

“Sabi ko may konting hirap sa training pero gawin n’yo ‘yan na may love. ‘Pag may pag-ibig ‘yan, walang mahirap.”

Sinabi pa ng coach na marami pa silang adjustment na gagawin.

“Sa evaluation ko, may kailangan pa kami, ‘yung pagje-jell saka ‘yung ibang habits nila na ayoko sa sistema ko ‘yun ‘yung aming kino-construct,” sambit pa nito. (JAT)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More