Una sa Balita

Blatche, Thompson, Castro pasok sa 14-man PH pool

By
0 629

BALIK sina Mark Barroca, Roger Pogoy at Andray Blatche sa 14-man pool ni coach Yeng Guiao na pagkukunan ng lineup na isasagupa sa krusyal na sixth at final window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa susunod na buwan.

Sa inilabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas kahapon, kasama sa Team Pilipinas pool sina Jayson Castro, Paul Lee, Scottie Thompson, Marcio Lassiter, Gabe Norwood, Troy Rosario, Japeth Aguilar, Poy Erram, June Mar Fajardo at Raymond Almazan.

Si Christian Standhardinger ang back-up naturalized player kay Blatche.

Dito pipiliin ni Guiao ang final 12 na gagamitin sa dalawang away games kontra Qatar sa Pebrero 21 at Kazakhstan sa Pebrero 24.

Pinasalamatan ni SBP President Al Panlilio ang PBA Board sa pangunguna nina Chairman Ricky Vargas at Commissioner Willie Marcial sa approval na mai-release ang requested players ni Guiao para maagang makapag-ensayo.

Muli ring magkakaroon ng break ang PBA sa Philippine Cup para bigyang-daan ang kritikal sa Pilipinas na hu­ling window ng qualifiers.

First week ng Pebrero inaasahang darating si Blatche. Uumpisahan ng Team Pilipinas ang practice session sa E­nero 21, sa second week ng Pebrero ay tutungong Middle East para sa ilang tune-up matches. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy