Una sa Balita

Blatche, team PH praktis ng 3 buwan

By
0 343

PLANO ni coach Yeng Guiao na magkaroon ng tatlong buwang praktis ang Team Pilipinas bago sumabak sa 2019 FIBA World Cup sa China.

Tatakbo ang torneo sa August 31-Sept. 15, posibleng June ay uumpi­sahan na ng Nationals ang matinding­ ensayo.
Nasa radar ni Guiao ang ilang pocket tournaments at friendly games, walang problema sa kanyang makalaro kahit ang New Zealand at Australia.

July ng nakaraang taon sa third window ng Asian Qualifiers sa Phili­ppine Arena, nagrambulan ang Australians at Filipinos. Nagresulta ito sa ilang suspension at milyong pisong multa sa magkabilang panig.

“My only criteria is we simply want (tune-up games) close to the level of competition in the World Cup,” pahayag ni Guiao sa ESPN.

Hindi na sasali sa Jones Cup sa July ang Nationals dahil tatamaan nito ang iskedyul ng mga laro sa PBA. Maliban kina naturalized Andray Blatche at cadet Thirdy Ravena, puro PBA players ang nasa pool ni Guiao.

Plano ng coach na ang 14-man squad na binitbit niya sa sixth at final window ng Qualifiers din ang isabak sa China.
Sa World Cup, nasa Group D ang Pilipinas kasama ang world No. 39 Angola, No. 13 Italy at No. 4 Serbia. May ipinagmamalaking NBA players ang Italians at Serbs.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy