Una sa Balita

Blatche sabak na sa Gilas practice

0 247

BUO na ang puwersa ng Gilas Pilipinas para sa 2019 FIBA World Cup na magsisimula sa August 31 sa China dahil sa pagbabalik bansa ni 6-foot-11 naturalized player Andray Blatche Sabado ng umaga.

Nakatakdang harapin ng koponan sa Pool D ang Serbia, Italy at Angola. Sinalubong nila Gilas Pilipias head coach Yeng Guiao, team manager Gabby Cui at Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) special assistant Ryan Gregorio si Blatche.

Dapat sana’y mas maaga pa ang dating ng former NBA pro ngunit naantala ito ng kaunti dahil sa isang child custody hearing na kaila­ngan nitong daluhan sa Amerika.

Nakatakdang sumama sa Gilas practice ang big man sa Lunes, July 15 sa Meralco Gym Pasig.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy