Una sa Balita

Blatche pukpok na sa training ng Gilas

0 257

BACK in business na ang Gilas Pilipinas sa pagbabalik training ni natura­lized player Andray Blatche.

Kahapon ay nagpakita na sa ensayo sa Meralco Gym sa Pasig City ang 6-foot-11 center na da­ting NBA player.

Duma­ting sa Meralco Gym si Blatche bandang alas-singko bilang paghahanda ng Gilas sa Agosto sa 2019 Fiba World Cup sa China.

Kasama ang Pilipinas sa Group D kabilang ang Serbia, Italy at Angola, nakatakdang maki­pag-tuneup game ang Gilas sa Adelaide 36ers ng Australia at ilang koponan sa Espanya.

Bukod kay Blatche, present din sa ensayo kagabi sina Kie­fer Ra­vena, Paul Lee, Gabe Norwood, Beau Belga, Matthew Wright, Mark Barroca, CJ Perez, Raymond Almazan at Robert Bolick.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy