Una sa Balita

Blatche, ‘Pinas itataya buhay

By
0 637

DIBDIBAN ang ensayo ng Team Pilipinas, kasama si naturalized Andray Blatche, dahil alam nilang krusyal ang final window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers ngayong buwan.

Parehong away games ang huling dalawang asignatura ng Nationals – kontra Qatar sa Pebrero 21 at Kazakhstan sa Pebrero 24.

Sa huling apat na laro ay 1-3 ang Pilipinas, at sa dalawang back-to-back losses ay nalaglag sa fourth place ng Group F sa 5-5 sa likod ng Australia (9-1), Iran (7-3) at Japan (6-4).

Must-win ang Filipinos sa dalawang laro sa sixth at final window para magkaroon ng tsansang humabol sa World Cup sa China sa Agosto.

Top 3 ng bawat grupo, kasama ang best placed-fourth ng Groups E at F, ang bibiyahe sa China. Dalawang beses tinalo ng Pilipinas ang Japan, kaya sakaling magpareho ang kartada pagkatapos ng quali­fiers ay makakaungos sa quotient ang Filipinos.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy