Una sa Balita

Blatche papakondisyon; Sotto susunod sa Dubai

0 367

SUMOBRA man sa timbang­ si naturalized Andray Blatche pagdating nitong nakaraang­ linggo, tiniyak naman nina Mighty Sports owner Alex Wongchuking at coach Charles Tiu na maibabalik ng naturalized player ang wastong kondisyon para sa 2020 Dubai International Basket­ball Championship.

“We know how good a player he is, but he needs to be in excellent form because we will be again facing formidable teams from Lebanon and Middle East,” pahayag nitong Linggo ni Tiu na aalis kasama ang koponan sa darating na Enero 21.

Daily na rin ang nagiging training ng Mighty Sports simula­ nang dumating si Blatche nitong nakaraang Huwebes.

“With a good mix of young and veteran players in the team we are hoping we can at least finish in the top four,” hirit naman ni Wongchuking na pasala­mat sa mga suporta ng Crea­tive­ Pacific oni Bong Cuevas, Go For Gold, Oriental Game, at Gatorade.­

Susunod naman upang makasama ang koponan si 7-foot-2 Kai Sotto, na may dalawang araw upang ma-aral ang galawan sa koponan na hangad masungkit ang korona sa torneo na sisimulan sa Enero 23.

Bukod kina Blatche at Sotto, nasa hukbo rin para sa siyam na araw na torneo sina Renaldo­ Balkman, McKenzie Moore, Thirdy Ravena, Juan at Javi Gomez de Liano, Joseph Yeo, Beau Belga, Joaqui Manuel, Gab Banal, Jarell Lim, Dave Ildefonso, Jamie Malonzo, Mikey Williams, at Jelan Kendrick. (JAT)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More