Una sa Balita

Blatche nasupot, Congo rumesbak

0 449

MUKHANG pinakagat­ lang ng Congo ang Gilas Pilipinas sa tune-up game, sa pocket tournament ay nasorpresa ang Filipinos.

Tinakbuhan ng Gilas­ ang Congo 102-80 sa unang pagtatapat sa Guadalajara noong Miyerkoles.

Sa pocket tournament kahapon sa Mala­ga, gumanti ang mga Congolese 82-71.

Tumukod ang Filipinos sa dulo, hindi nagawang awatin ang long distance shooting ng Congo.

Si Andray Blatche, nalimitahan sa katiting­ na 2 points lang sa second half matapos maglista ng 13 sa first 20 minutes.

Nakaapekto sa depen­sa ng Gilas ang pagliban ni Gabe Norwood na inabot ng mild groin strain sa unang laro kontra Congo. Tuloy, siyam lang ang nagamit sa rotation ni coach Yeng Guiao.

“Gabe’s absence was felt tonight,” pahayag ng deputy ni Guiao na si Ryan Gregorio. “We lacked the height and the length to compete against Congo.”

Umabante pa ng hanggang 28-20 ang Filipinos bago tumukod sa dulo.

Namuno sa Nationals­ ang 21 points ni Robert Bolick, umayuda ng 11 si CJ Perez.

Tumikada ng perpek­tong 4 for 4 mula 3-point range si Ron Mvouika tungo sa 21 points para sa Congo, hinihintay sa susunod na match ang nanalo sa bakbakan ng Ivory Coast at host Spain.

Tinalo rin ng Pilipi­nas ang Ivory Coast 94-83 sa Guadalajara. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More