Una sa Balita

Blatche lumagare, nakipraktis sa RoS

0 249

DIBDIBAN na ang pagpapakondisyon ni Andray Blatche.

Walang sinasayang na oras ang naturalized center ng Gilas Pilipinas sapul nang dumating sa bansa noong Sabado.

Sumipot na siya sa ensayo ng Nationals noong Lunes, sinabi ni coach Yeng Guiao na sasama rin ang 6-foot-11 center sa praktis ng NLEX.
At nitong Miyerkoles, dumating din si Blatche sa ensayo ng Rain or Shine sa Meralco Gym.

Chief assistant ni Guiao si Elasto Painters coach Caloy Garcia, kaya okay lang na maki-practice sa team si Blatche. Kasama rin niya sa Gilas sina RoS veterans Gabe Norwood at Beau Belga.

Tapos na ang kampanya ng NLEX sa PBA Commissioner’s Cup, pinagpahinga muna ni Guiao ang Road Warriors bago magsimulang magpraktis sa susunod na linggo para naman sa season-ending Governors Cup.

Makakasama naman ni Blatche sa NLEX sina Kiefer Ravena at Poy Erram.
“We’re still having limitations with our practice schedule at Gilas but we’ll try to find a way to give him extra days of practice,” ani Guiao. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy