Una sa Balita

Blatche, Gilas pagbibigyan ang Spain

0 467

BAGO dumating ng Manila si Andray Blatche, nakapagsimula na ‘nun ng ensayo ang Gilas Pilipinas pool.

Manggagaling ng US ang naturalized center, July 8 o 9 ang target day ng dating niya, ayon kay Gilas team manager Gabby Cui.

Hindi pa inihahayag ang bubuo ng pool, pero siniguro nang si 6’11 Blatche ang magiging naturalized player ng Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup sa China.

Naka-bracket ang Filipinos sa Group D kasama ng Angola, Italy at Serbia na makakatapat nila sa unang round sa Foshan International Sports and Cultural Center sa Shenzhen.

Mga dating p­layers na isinabak sa sixth window ng World Cup Asian Qualifiers ang napipisil ni coach Yeng Guiao na isama sa pool.

Noong isang linggo, pagdating mula bakasyon ay nakipagkita si Guiao sa p­layers ng Gilas sa Meralco gym, kasama si Cui.

Maliban kina Japeth Aguilar, Scottie Thompson at Jayson Castro, duma-ting doon sinaNJune Mar Fajardo, Gabe Norwood, Mark Barroca, Troy Rosario, RR Pogoy, Paul Lee, Marcio Lassiter, Poy Erram at Raymond Almazan. Binitawan na sa pool si Thirdy Ravena dahil sa commitment nito sa Ateneo na sasabak sa parating na UAAP Season 82.

Inumpisahan ng Gilas ang twice-a-week practice, Lunes at Huwebes, bago gagawing araw-araw na sa susunod na buwan sakto sa dating ni Blatche.
Sa Aug. 4 ay bibiyahe ng Spain ang nationals para sa isang linggong exhibition matches.

Magandang tune-up games para sa Filipinos, ayon kay Guiao. Ilang African teams din ang nakatakdang harapin sa Spain.

“‘Yung Spain, I think they have seven or eight NBA players and all of them will be there,” aniya.

Ipaparada ng world No. 2 at 2006 FIBA World Cup champion Spain ang mag-utol na Marc at Pao Gasol, Ricky Rubio, Serge Ibaka, Rudy Fernandez at Nikola Mirotic.

“Medyo pagbigyan natin ‘yung Spain, hindi namin masyadong tatambakan,” biro pa ni Guiao. (Vladi E­duarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy