Una sa Balita

Blatche, gilas bugbog sa training

By
0 1,475

ISASABAK ni Samahang Basket­bol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio ang Team Pilipinas sa Jones Cup at sa Europe League para ikondisyon sa FIBA World Cup 2019 sa Agosto sa China.

Sinabi ni Panlilio sa panayam sa telebisyon na hihilingin nito sa lahat ng mga stakeholder ng basketball sa bansa na maibigay sa Nationals ang pinakamagandang preparasyon pati na rin ang pinakamalakas na lineup para sa kada apat na taong torneo.

“We want to give them more time to practice as a team. The longer, the better the preparation,” sabi ni Panlilio.
Isa sa sinabi ni Panlilio ang posbileng paglalaro ng koponan sa taunang William Jones Cup at ilang malalaking torneo sa Europe at Middle East.

“We want them to prepare better, and sabi nga ni Andray Blatche ay to win more games, in our aim of making it or to advance to the next round,” sabi ni Panlilio.

Optimistiko din si Panlilio sa posibilidad na sabay na makapag­laro ang mga miyembrong Fil-Am bilang mga lokal na manlalaro partikular na si Jordan Clarkson gayundin sina Christian Standhardinger at Stanley Pringle.

“We are optimistic that the world governing body FIBA, especially with a new secretary general, will take a second look at our appeal. Pinoy naman kasi sila based on our and as guaranteed in our Constitution, depende kung ano ang lineage mo sa parents,” sabi pa ni Panlilio.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy