Una sa Balita

Blatche, Fajardo, Sotto tsupi kay Standhardinger

By
0 328

Walang Andray Blatche ang Gilas Pilipinas sa February window ng FIBA Asian Cup Qualifiers, nagpasya ang Samahang Basketbol ng Pilipinas na huwag munang isama sa pool ang pangalan ng naturalized center.

Binubuo ng pros at collegiate stars ang 24-man pool na binalangkas ilang araw pa lang ang nakakaraan.

Undersized ang lineup, sina Japeth Aguilar at Christian Standhardinger lang ang lehitimong post-up bigs.

May Poy Erram at Troy Rosario, pero mas gamay ng mga ito ang stretch 4.

Walang June Mar Fajardo na tatao sa gitna dahil ipinahinga muna, wala ring Blatche. ‘Di rin isinama si 7-foot-2 Kai Sotto.

Isang naturalized player lang ang pinapayagan ng FIBA na maglaro sa isang team sa bawat torneo.

Isang source ang nagkumpirma na si Standhardinger muna ang gagamiting naturalized player ng Pilipinas sa February window.

‘Di puwedeng i-classify na local ang Fil-German dahil sa rule ng FIBA na kailangang may passport ng bansang gusto niyang paglaruan ang player bago tumuntong sa edad 16.

Ganito ang naging kuwestiyon kaya ‘di puwedeng maglaro bilang local sina Standhardinger, Stanley Pringle at Jordan Clarkson.

Thailand at Indonesia ang makakatapat ng Pilipinas sa first window sa Feb. 20 at 23. Dominado ng Pilipinos ang dalawang katunggali, kaya marahil nagdesisyon ang SBP na huwag munang pabalikin si Blatche.

“Si Christian muna sa first window,” sagot ng source nang matanong sa naturalized player na tatapikin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More