Una sa Balita

Blatche, Fajardo bala kontra Italya

0 321

Laro ngayon (Foshan, China)
7:30 pm — Pilipinas vs. Italy

LABAN na ang Gilas Pilipinas sa 2019 FIBA World Cup mamayang gabi sa Foshan International Sports and Cultural Center sa China.
Unang asignatura ng Filipinos ang world No. 13 Italy.
Dahil medal fronrunners ang Serbia, krusyal ang mga laro ng Pilipinas, Italy at Angola sa Group D para umabante sa next round. Top 2 lang ng bawat grupo ang uusad.
Sabihin pa, krusyal ang opening day match ng Gilas at Squadra Azzurra.
May NBA players ang Italy kina Marco Belinelli at Danilo Gallinari.
Dahil sa dalawa ay may bentahe na agad ang Azzurra.
Matibay din ang suporta sa kanila nina Europe-based stars Luigi Datome, Amedeo Della Valle at Awudu Abass.
Sa kabilang dulo ng bench, sasakay ang Gilas sa nagkakaedad na ring balikat ni naturalized Andray Blatche, 33.
Aasa rin si coach Yeng Guiao sa pagbuhat sa team ni PBA five-time MVP June Mar Fajardo.
Sina Japeth Aguilar, captain Gabe Norwood at Paul Lee na lang ang holdovers sa National­ team na sumabak sa huling edisyon ng torneo sa Spain noong 2014.
World Cup first-timers sina Raymond Almazan, Mark Barroca, Robert Bolick, CJ Perez, RR Pogoy, Kiefer Ravena at Troy Rosario. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy