Una sa Balita

Blanco, Kaewpin puputulan ng pakpak ang PetroGazz

0 351

Ni Janiel Abby Toralba

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)­
2:00pm — Motolite vs BaliPure
4:00pm — PetroGazz vs Creamline

MULING huhugot ng lakas ang Creamline Cool Smashers­ sa mga reinforce na sina Aleoscar Blanco at Kuttika Kaewpin kontra PetroGazz Angels Sabado alas-4 ng hapon sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference na gaganapin sa FilOil Flying V Centre.

Matatandaan na PetroGazz lamang ang nagbigay ng talo para sa Creamline sa unang round ng elimination.

Nananatiling malinis rin ang record ng Angels sa 7-0 samantalang 6-1 win loss record naman ang para sa Cool Smashers.

Winalis nito lang Miyerkoles ng Creamline ang koponan ng Motolite sa score na 25-15, 25-20, 25-23.

Bumida para sa Cool Smashers si setter Jia Morado na may tatlong puntos at 26 excellent sets habang pasabog sa tig-13 points sina Blanco at Kaewpin.

Katuwang din para sa koponan si ace spiker Alyssa Valdez na may 10 puntos na ambag.

Samantala, huling nagwagi ang panig ng PetroGazz noong Hunyo 16 kontra sa BaliPure Water Defenders 25-19, 25-22, 25-18.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy